Wednesday, January 05, 2005

Subok Lang

gabi na ng makauwi ako mula sa simpleng huntahan namin ng aking mga kaibigan...si *m, *j, *e at ako ay nagpangita sa isang lugar kung saan kami nakapag-usap, nakapag-yosi, nakakain at nakainom. biyaya para sa akin ang pagkakataong makasama ko ang mga taong itinuturing kong kaibigan kaya't kahit pagod at marami ang responsabilidad na kahaharapin pag uwi ko ng bahay, hala at sumige pa rin ako sa pakikipagkita sa kanila at di naman ako nagsisising ginawa ko iyon. masama man ang loob sa mga pangyayaring di kanais-nais sa opisina, kapaguran sa buong araw na pagttrabaho ng maayos, pagkalutang ng pagiisip sa mga di na napag-usapang bagay-bagay, naroon pa rin ang pagsisikap na maging matatag at masaya para sa isa't isa. kaya nga kami nagpasyang magkita-kita eh...dahil alam naming sa kabila ng mga nakasusuyang kaganapan at samu't saring prolema, kayang kaya namin maging masaya sa pamamagitan lamang ng pakikinig sa siphaya ng bawat isa.

hanggang dito na lang muna...

No comments: